^

Bansa

Rape joke ng radio anchor sa lady reporter, binira

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinondena ng Gabriela Partylist ang rape joke ng isang radio anchor laban sa isang babaeng reporter na sinabihan nito kung maaring i-rape habang naka-live sa kanilang radio program.

“Rape is not a joke,” pahayag ni Gabriela Partylist Rep. Sarah Jane Elago laban kay K5 News FM Bacolod 101.5 anchor na si Jean Paul Generoso kung saan paulit-ulit niyang tinatanong ang isang babaeng mamamahayag kung maaari niya itong “i-rape” habang sila ay nag-uulat hinggil sa kaso ng sexual harassment laban sa kababaihan at kabataan.

Sinabi ni Elago na walang anumang konteksto ang maaaring magpagaan sa bigat ng salitang “rape“ at hindi ito biro o punchline. Aniya, ang panggagahasa ay isang marahas na krimen at seryosong paglabag sa karapatan ng kababaihan.

“Mas lalong naka­kagalit na nangyari ito habang tinatalakay ang isang sensitibong ­usapin ng pang-aabuso. Sa halip na magpakita ng paggalang at sensibilidad sa mga biktima, ginawa pa itong pagkakataon para gawing katatawanan na lalo lamang nagnonormalisa ng rape,” saad ni Elago.

Ayon kay Elago, malinaw ring makikita sa video ang pagkailang ng reporter sa paulit-ulit na sekswal na komento ng anchor na isang anyo ng gender-based sexual harassment na ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 11313 o Bawal Bastos Law.

Binigyang diin ni Elago na ang ganitong klase ng asal, lalo na mula sa mga nasa media, ay may seryosong epekto sa kung paano tinitingnan ng lipunan ang karahasan laban sa kababaihan. Aniya, kapag ginagawang katatawanan ang rape, lalo nitong pinatatahimik at tinatakot ang mga biktimang magsalita at maghain ng reklamo.

GABRIELA PARTYLIST

RADIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with