^

Bansa

Bangka nagkaaberya; 23 mangingisda, nasagip ng PCG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa 23 mangingisda na nasiraan ng bangka habang nangi­ngisda sa karagatang sakop ng Subic, Zambales.

Ayon sa PCG, duma­nas ng engine failure ang fishing vessel ng mga mangingisda sanhi upang maistranded ang mga ito.

Umalis umano ang mga mangingisda sa pa­ngu­nguna ng kanilang boat captain na si Erwin Morate, mula sa kanilang homeport sa Barangay Wawandue, lulan ng FBCA Wilyn, noong Martes ng umaga.

Gayunman, habang nag-o-operate may 85.96 nautical miles sa Sampaloc Point noong Miyerkules ay pumalya ang propulsion system ng bangka.

Sanhi nito, humalo ang tubig sa engine oil, na nag­resulta sa pagpalya ng makina.

Kaagad namang ru­­­mesponde ang mga ta­uhan ng PCG patrol vessel na BRP Cape San Agustin­ (MRRV-4408) at sina­gip ang mga mangi­ngisda.

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with