^

Bansa

Pangulong Marcos dumistansya sa China-Taiwan conflict

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habang iginigiit ang pagsunod ng bansa sa One China policy, dumistansya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lumalalang tens­yon sa pagitan ng Beijing at Taiwan.

Ayon sa Pangulo, ito ay dahil ayaw ng bansa na masangkot sa anumang kaguluhan.

Nagpahayag din si Pangulong Marcos ng pangamba dahil kapag nagkaroon ng tensyon sa dalawang bansa ay posibleng maapektuhan ang mga Filipino na nasa Taiwan.

“I think in Japan’s case, it’s more matter of choice to be involved”  ayon pa kay Pangulong Marcos.

Ang Taiwan ay malapit sa Pilipinas at mayroong halos 200,000 Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho roon.

Iginiit naman ni Marcos na iginagalang ng Pilipinas ang One China policy na kumikilala sa People’s Republic of China bilang isang Chinese sovereign state.

Subalit anumang komprontasyon ay dapat iwasan at maayos agad sa mapayapang paraan.

Base aniya sa mapa, ang hilagang Pilipinas ay maaaring maramdaman ang epekto ng tensyon sakaling lumala ito.

“We have many other considerations, but we end up in the same position that we want to avoid any confontations. We want to avoid any hostilities around. Taiwan simply because we do not want to be involved in any war, we do not want to be involved in any conflict”, ayon pa kay Marcos.

CONFLICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with