Padilla, Cayetano, at OSAA chief ‘persons of interest’ sa Bato escape

MANILA, Philippines — Itinuturing na ‘persons of interest’ sina Senate President Alan Peter Cayetano, Sen. Robin Padilla, at Office of the Senate Sergeant-at-Arms Acting Chief Mao Aplasca dahil sa pagkawala ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Ipinaliwanag ni National Bureau of Investigation (NBI) director Melvin Matibag na ang ibig sabihin ng “persons of interest” ay dapat na sumagot kapag tinanong kung nasaan na si Dela Rosa.
“Nangako sila protective custody kay Sen. Bato kaya hindi natuloy ang pag-aresto kasi ginagalang natin. Pero ‘pag sinabi mong under your custody, you are responsible...mag-present sa tao na ‘yan,” ani Matibag.
Si Padilla ang sinasabing responsable umano sa palihim na pag-alis nila ni dela Rosa sa gusali ng Senado sa gitna ng posibleng pag-aresto hinggil sa warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity kaugnay sa drug war ng Duterte Administration. Magkasama umanong lumabas sina dela Rosa at Padilla sa Senado.
Kinumpirma naman ni Cayetano na umalis si Dela Rosa kasama ni Padilla alas-2:30 ng madaling araw ng Huwebes sa gusali ng Senado, ilang oras matapos ang putukan.
Iginiit ni Matibag na sumusunod lamang ang NBI sa utos ng Department of Justice (DOJ) at sa kanilang mandato.
Matatandaang noong Miyerkules ng gabi nang maganap ang shooting incident sa ikalawang palapag ng Senate building, at madaling araw ng Huwebes ay umalis na si Padilla na kasama umano si dela Rosa.
- Latest























