^

Bansa

‘Maagang akusasyon ni Imee sa Palasyo, mapanganib’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinondena ng apat na makabayang grupo ang napakabilis na akusasyon ni Sen. Imee Marcos na may direktang utos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inuugnay sa pagpapaaresto kay Sen. Bato dela Rosa “at all costs” ang shooting incident sa Senado nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 13.

Sinabi ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia na mas magpapalala ito sa takot at pagkakahati-hati ng mamamayan.

“Delikado ang basta pagbibitaw ng mabibigat na akusasyon nang walang malinaw na ebidensiya,” ani Goitia.

“Hindi nagsimula ang lahat sa putukan. Nagsimula ito noong ginawang kanlungan ang Senado para sa mga gustong umiwas sa pananagutan sa halip na panatilihin itong institusyon na gumagalang sa batas.”

“Hindi mo puwedeng gawing proteksiyon ang Senado para sa isang taong umiiwas sa pananagutan, tapos magtataka kapag lumala ang sitwasyon,” aniya.

Saludo aniya siya sa media na hindi iniwan ang coverage sa gitna ng magulo at tensiyonadong sitwasyon dahil malaki ang tulong nila sa pagpapa-unawa sa publiko na hindi kayang takpan ng kasinungalingan, naratibo at propaganda ang tunay na insidente.

CHAIRMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with