Leni-Raffy lamang sa Sara-Imee 2028 tandem match-up

MANILA, Philippines — Nanguna ang tambalan nina Naga City Mayor Leni Robredo at Sen. Raffy Tulfo sa posibleng tandem, ayon sa hypothetical 2028 tandem match-up ng OCTA Research First Quarter Tugon ng Masa survey.
Sa isinagawang non-commissioned survey, 44% ng adult Filipinos ang may gusto sa Robredo-Tulfo tandem habang 40% ang may gusto sa tambalan nina Vice Pres. Sara Duterte at Sen. Imee Marcos.
Nasa 16% ang undecided na ayon sa OCTA ay kumakatawan sa “significant segment.”
Itinanong sa survey ang “Kung ang eleksyon ng Mayo 2028 ay isasagawa ngayon at ang mga sumusunod ay ang mga tambalan para sa pagka-Presidente at Bise-Presidente, aling tambalan ang inyong iboboto?”
“The Q1 2026 results suggest a competitive tandem preference landscape, with only four percentage points separating the Robredo-Tulfo and Duterte-Marcos tandems at the national level,” saad ng OCTA.
Pinakalamakas ang tambalang Robredo-Tulfo sa National Capital Region (NCR) na may 61%, Balance Luzon 57%, at Visayas 48%. Pinakamababa ang tambalan sa Mindanao 5%.
Samantala, nakakuha naman ang Duterte-Marcos ng 86% sa Mindanao, 40% Visayas, Balance Luzon at NCR 23%.
Isinagawa ang survey noong March 19-25, 2026 gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 probability respondents.
- Latest






















