Comelec, 90-95% nang handa para sa BSKE polls
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na nasa 90%-95% na silang handa para sa pagdaraos ng 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nakapag-imprenta na sila ng mga balota at kaunting gamit na lamang ang kanilang hinihintay.
“Kami sa Comelec, 90% to 95% na kaming handa para sa BSKE,” ani Garcia. “Naimprenta na ang mga balota at kaunting gamit na lang ang hinihintay na ma-procure.”
Kasalukuyan pang umaarangkada ang nationwide voter registration para sa 2026 BSKE na sinimulan noong Oktubre 20, 2025. Nakatakdang magtapos ang pagpaparehistro sa Mayo 18, 2026.
Idaraos ang BSKE sa Nobyembre 2, 2026.
- Latest



















