^

Bansa

Tambay bumaba sa 2.58 milyong noong Marso

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumaba sa 2.58 milyong Pilipino ang walang trabaho o mga tambay nitong March 2026, mas mababa sa 2.66 milyon noong February 2026.

Ayon kay National Statistician at Philippine Statistics Authority (PSA) chief Claire Dennis Mapa, nangangahulugan ito na may 50 katao sa 1,000 indibidwal ay walang trabaho o walang pinagkakakitaan sa panahong ito.

Ang year-to-date unemployment rate naman ay nasa 5.3%, lampas sa ceiling ng gobyerno na 4% ay naging 5% para sa taong 2026 hanggang 2028.

Samantala ang bilang ng mga may trabaho ay ­bumaba sa 49.07 milyon mula sa 49.43 milyon noong Marso.

Sa record ng PSA, ang employment rate ay nanatiling nasa 95%, mas mataas sa 94.9% noong February 2026.

Ang Underemployed o mga taong may trabaho na pero nais pang magkaroon ng ibang pagkakakitaan o nais madagdagan ang oras ng trabaho ay pumalo sa 12.3% nitong Marso mula sa 11.8% noong February 2026.

TAMBAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with