^

Bansa

NSC: Peace talks ng CPP-NPA-NDF panlilinlang

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing tinanggihan ng National Security Council (NSC) ang anumang hakbang na muling buhayin ang pambansang antas ng negosasyong pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), iginiit na ang ganitong hakbang ay hindi na sumasalamin sa kagustuhan at interes ng sambayanang Pilipino.

Sa isang matapang na pahayag, sinuportahan ni National Security Adviser Eduardo SL Oban Jr. si Defense Secretary Gilberto C. Teodoro Jr., at binigyang-diin na ang muling pagbubukas ng usapan sa isang “mahina na, hiwalay sa mamamayan, at kriminal na armadong grupo” ay sisira sa mga pinaghirapang tagumpay sa kapayapaan at kaunlaran.

“Hindi hinihingi ng sambayanang Pilipino ang pagbabalik sa mga negosasyong matagal nang inaabuso. “Ang kailangan nila ay konkre­tong pagbabago sa kanilang buhay—seguridad, kabuhayan, hustisya, at proteksyon laban sa karahasan”. ani Oban. 

Binigyang-diin ng NSC na ang mga dekada ng pakikipagnegosasyon sa CPP-NPA-NDF ay nabigong maghatid ng pangmatagalang kapayapaan. Sa halip, ayon sa pamahalaan, paulit-ulit lamang itong ginamit ng kilusan bilang isang “taktikal na paraan ng pagba­ngon,” na nagbibigay sa kanila ng pagkakataong magtipon muli, palakasin ang kanilang operasyon, at magpakita ng anyo ng lehitimong pulitikal na puwersa.

Ipinaalala ni Oban na mula pa noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino, ang mga inisyatibang pangkapayapaan ay ginamit upang muling buuin ang mga underground network at palawakin ang impluwensya sa mga bulnerableng komunidad, habang nagpapatuloy umano ang pangingikil, pagrerekrut, at karahasang isinasagawa ng kanilang armadong yunit.

Nagbabala siya na ang muling pagbubukas ng pambansang usapang pangkapayapaan sa ngayon ay magbibigay lamang ng “mababaw na kredibilidad” sa isang insurhensyang malaki na ang ibinaba sa aktwal­ na kalagayan.

PEACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with