^

Bansa

Senior High pinabubuwag ni Padilla

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Senior High pinabubuwag ni Padilla
Sen. Robinhood Padilla
Senate PRIB / Voltaire F. Domingo

MANILA, Philippines — Isinusulong ni ­Robinhood Padilla ang panukalang tanggalin ang senior high school (SHS) sa basic education system bilang tugon sa mga hamong kinakaharap ng mga pamilyang Pilipino sa ilalim ng K to 12 program.

Sa Senate Bill No. 1297 o ang  “Abolishing Senior High School Education Act,” iminungkahi ng senador ang pag-amyenda sa Republic Act No. 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013 upang gawing mas simple ang basic education cycle na kapapalooban ng kindergarten, anim na taon ng elementarya at apat na taon ng secondary education.

Ayon kay Padilla, bagamat maganda ang hangarin ng K-12 program na iangat ang kalidad ng ­edukasyon at gawing globally competitive ang mga estudyanteng Pilipino, nananatili  itong mala­king hamon sa maraming magulang dahil sa dagdag na gastos.

Bukod dito, sinabi ng senador na pabigat din sa mga magulang ang dagdag pamasahe, baon at school supplies sa kanilang mga anak.

Idinagdag pa ni ­Padilla na nakababahala ang pagtaas ng mga ­estudyanteng nagda-dropout na lamang at hindi na nakakapagtapos ng high school dahil sa karagdagang taon ng pag-aaral.

ROBINHOOD PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with