NBI pinuri ng Palasyo sa pagkakaaresto ni Jay Sonza
MANILA, Philippines — Pinuri ng Presidential Communications Office (PCO) ang mabilis aksyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkakaaresto sa dating broadcaster na si Jay Sonza dahil sa pagpapakalat ng fake news tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni PCO Acting Secretary Dave Gomez na ang hakbang ng NBI sa ilalim ng liderato ni Atty. Melvin Matibag ay nagpapakita sa matatag at naaayon sa batas na pagtugon sa online abuse, lalo na sa pagpapakalat ng maling impormasyon.
Ayon pa kay Gomez, sa pamamagitan ng “Oplan Kontra Fake News” nagbibigay ng mahigpit na mensahe ang PCO sa mga fake news peddlers.
Nanindigan din ang opisyal na itutuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad, sa media at responsableng online platforms para matukoy, maimbestigahan at makasuhan ang mga nagpapakalat ng mga kasinungalingan.
“Public discourse must remain free, but it must also be truthful, fair, and orderly. Speak freely, but not falsely,” sabi pa ni Gomez.
Nagsumite na rin aniya ang PCO ng mga kaso ng fake news sa Department of Justice para imbestigahan ng NBI at kasuhan ang mga ito sa korte.
- Latest


















