^

Bansa

May mananagot sa Negros Occidental raid - Malacañang

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malakanyang na mananagot ang mga posibleng nang-abuso sa naganap na engkwentro sa Negros Occidental kung saan 19 katao ang nasawi.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na dapat managot ang lahat ng sino mang ­mapatutunayang nagmalabis sa paggamit ng kanilang awtoridad.

Hindi aniya hahayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may umabuso sa kanilang mga kapangyarihan o posisyon,sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Matatandaan na 19 ang nasawi sa naturang engkwentro kabilang ang UP student na si Alyssa Alano, mamamahayag na si RJ Ledesma, at dalawang Amerikano.

Sinita na rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang ilang “inconsistencies” o hindi tugmang impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga namatay.

Ito’y matapos sabihin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mga miyembro ng CPP-NPA ang 19 na namatay, na pinabulaanan ng Communist Party of the Philippines, at sinabing hindi nila miyembro ang mga ito.

Ayon kay Castro, hindi pipigilan ng Palasyo kung magpapa-imbestiga din ang AFP sa CHR para malaman ang katotohanan sa sinasabing engkwentro.

RAID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with