^

Bansa

Imbestigahan ‘pag-etsapwera’ ng 84 brgys sa ayuda – Leviste

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Imbestigahan ‘pag-etsapwera’ ng 84 brgys sa ayuda – Leviste
Rep. Leandro Leviste (Batangas, 1st District) holds a press conference on Monday, Aug. 26, 2025 after filing criminal cases against the district engineer who attempted to bribe him.
Lingkod Legarda Leviste via Facebook

MANILA, Philippines — Humihirit ng imbestigasyon si Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste matapos umanong ma-etsapwera ang hindi bababa sa 84 barangay sa pamamahagi ng tig-P200,000 ayuda sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Batangas City kama­kailan.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Leviste: “Nakapag-file na ako ng resolusyon para imbestigahan ang diskriminasyon sa budget, at handa akong humarap sa anumang pagdinig kasama si Gov. Vilma at ang mga kapitan ng Batangas para lumabas ang katotohanan.”

Nauna nang ibinunyag­ ng mambabatas na hindi naisama ang 84 barangay sa programang “Bawat Barangay Makikinabang,” kahit malinaw ang utos ng Pangulo na lahat ay dapat makinabang. Aniya, may isa umanong kapitan ang sinabihang naisantabi sila dahil sa umano’y “tampo” ni Governor Vilma Santos-Recto, na ipinaabot umano ni Liga ng mga Barangay president Fernando Rocafort.

“Hindi ito pera ng pulitiko. Para ito sa tao,” diin ni Leviste, sabay babala na nasisira ang tiwala ng publiko kapag hinaharang ang ayuda. Dagdag niya, maaaring­ hindi ito alam ng Pangulo, pero siya ang nasasapul sa hindi pagtupad ng pangako.

Matapos lumabas ang isyu, iniulat na bibigyan na rin ng ayuda ang mga naunang naisantabing barangay. Pero ayon kay Leviste, kailangan pa rin ng pananagutan. “Dapat malinaw kung bakit sila hindi isinama,” aniya.

Tinukoy rin sa reso­lusyon ang umano’y pagpasok ng mga middleman na nag-aalok ng pondo kapalit ng hanggang 25% komis­yon—isang babala sa posibleng korapsyon sa sistema.

LEANDRO LEGARDA LEVISTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with