Trump hindi gagamit ng nuclear weapon
MANILA, Philippines — Tiniyak ni United States President Donald Trump na hindi sila gagamit ng nuclear weapon laban sa Iran sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East.
Tanong ni Trump, bakit sila gagamit ng nuclear weapon gayung nadurog na ang puwersa ng Iran sa isang kumbensyunal na paraan na hindi ito ginagamit.
Hindi rin aniya maaaring gamitin ng sinuman ang isang nuclear weapon kaya hindi rin nila ito gagamitin.
Sa tanong naman kay Trump kung hanggang kailan siya maghihintay para sa isang long term peace deal sa Iran, sagot ni Trump “Don’t rush me”.
Posible aniyang pinalakas ng Iran ang kanilang sandatahan sa loob ng dalawang linggong tigil putukan, subalit maaari aniyang itumba ito ng militar ng US ng halos isang araw.
“Their navy is gone. Their air force is gone, their anti-aircraft is gone..maybe they loaded up a little bit during the two weeks hiatus, but we’ll knock that out about one day, if they did,” pahayag pa ni Trump.
Nais aniya niyang makabuo ng pinakamainam na kasunduan at maaaring makipagkasundo ngayon subalit ayaw pa itong gawin ni Trump dahil hangad niya ang isang kasunduang magtatagal.
- Latest




















