^

Bansa

Diesel may P10/L tapyas

Mer Layson, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Diesel may P10/L tapyas
Ito na ang magiging ikatlong linggong sunud-sunod na rollback ng ­presyo ng diesel matapos ang serye ng mega oil price hikes na ipinatupad ng mga kumpanya ng l­angis simula nang sumiklab ang tensiyon sa Gitnang Silangan.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inaasahang bababa muli ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.

Ito na ang magiging ikatlong linggong sunud-sunod na rollback ng ­presyo ng diesel matapos ang serye ng mega oil price hikes na ipinatupad ng mga kumpanya ng l­angis simula nang sumiklab ang tensiyon sa Gitnang Silangan.

Base sa Mean of Platts Singapore (MOPS) trading at foreign exchange averages sa loob ng nakalipas na araw, sinabi ng isang oil industry source na maaaring bumaba ng P8.00 hanggang P10.00 ang presyo ng diesel kada litro sa susunod na linggo.

Gayunman, walang nakikitang paggalaw sa presyo ng gasolina o kung magkaroon man ng price adjustment ay maaaring tumaas pa ito ng P1.00 kada litro.

Karaniwan nang ina­anunsiyo ng mga kum­panya ng langis ang pinal na price adjustment sa mga produktong petrolyo tuwing araw ng Lunes, at ipinatutupad kinabukasan, Martes.

MOPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with