‘Arrest them!’: Israeli envoy sa mga pasaway na turista sa Siargao
MANILA, Philippines — Mismong ang ambassador na ng Israel sa Pilipinas ang nanawagan sa gobyerno na arestuhin ang mga dayuhang turista sa Siargao na nanggugulo at lumalabag sa batas.
Ginawa ni Dana Kursh ang pahayag matapos mapaulat na may mga turistang Israeli nationals sa Siargao ang lumalabag sa batas.
“We want to say this loud and clear: If there is an Israeli tourist who is misbehaving, the relevant Filipino authorities should enforce the law—because they need to enforce the law,” sabi ni Kursh sa ginanap na media brunch nitong Abril 23.
Binigyang-diin ni Kursh na dapat igalang ng lahat ng bisita ang mga lokal na batas, kultura, at komunidad. Matatandaan na may nag-viral na post sa social media na nagpapakita ng umano’y maling pag-uugali ng ilang turistang Israeli sa sikat na surfing destination.
Hinimok niya ang mga awtoridad ay dapat magpataw ng mga parusa, kabilang ang pag-aresto o multa, kapag nilabag ang mga batas. “As an Israeli diplomat in the Philippines, my goal is to protect citizens if they are in distress. But I am saying very loud and clear: If they are misbehaving, that’s not distress… they should be either arrested or punished under the laws of the Philippines,” sabi ng envoy.
- Latest





















