^

Bansa

PNP-CIDG operatives kakasuhan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa illegal raid

MANILA, Philippines — Plano ng pamunuan ng Coliseo de Manila, (CDM) isang cockpit arena sa Vitas  sa Tondo, Maynila na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group, National Capital Region (PNP-CIDG-NCR) sa sinasabing illegal raid o pagsalakay ng walang kaukulang search warrant at puwersahang nagpasara ng 20 araw sa sabungan.

Ayon kay Atty. Carl Jon P. Mucho ng Chavez Miranda Aseoche Law Offices, legal counsel ng nasabing cockpit arena, tuluyan ng ibinasura ng Manila Prosecutors Office ang inihaing kaso ng PNP-CIDG sa kanila dahil sa kawalan umano ng merito at katibayan hinggil sa paratang na online at unauthorized sabong.

Nabatid na ang pagsalakay ng mga pulis ay ibinase lamang umano sa intelligence report at hindi muna nagsagawa ng balidasyon.

Sinabi ni Atty. Mucho, hindi nila palalampasin ang ginawa ng mga tauhan ng PNP-CIDG-NCR kaya kakasuhan nila ang mga ito.

Nagsampa na rin ang pamunuan ng CDM ng kasong administratibo sa National Police Commission (NAPOLCOM) laban sa ilang tauhan ng CIDG-NCR.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang NAPOLCOM sa nasabing reklamo.

Muli na ring nagbukas o nakapag-operate ang nasabing sabungan dahil sa “Writ of Preliminary Injunction” na inilabas ng korte.

NCR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with