^

Bansa

DFA sa Oman: Alisin HIV test requirement sa Pinoy tourists

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magpupulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Omani Embassy sa Manila sa susunod na linggo para pag-usapan ang requirement sa lahat ng mga Pinoy na nagtutungo sa naturang bansa na magprisinta ng negatibong HIV tests.

Sa pahayag ng DFA, sinabi nito na nagkaroon sila ng malakas na representasyon sa embahada at pinaaalis nila ang nasabing polisiya na ipinatupad ng walang kaukulang abiso sa Pilipinas.

Habang seryoso na rin aniya ang ginagawang pagsusuri ng Sultanate ng Oman tungkol sa nasabing requirement.

Nilinaw naman aniya ng embahada na ang HIV certificate ay para lamang sa mga turista na kumuha ng visa free entry sa Oman at hindi para sa mga may work visa.

Ang mga Pinoy na turista rin aniya na patu­ngong Oman na nabigyan ng visa ay kailangan din na magsumite ng HIV certificate sa airline check in bago payagang sumakay ng eroplano.

Sinabi naman ng Philippine Embassy sa Muscat, na capital ng Oman na nalaman lang nila ang bagong panuntunan matapos na magsumbong ang mga Pinoy na hindi pinayagang makaalis sa araw ng kanilang flights.

Hindi rin aniya nagpadala ng official notice ng bagong polisiya ang mga otoridad doon.

Inaasahan naman ng DFA na magkakaroon ng positibong resulta at magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Oman matapos ang pag uusap.

TOURISTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with