Operasyon ng LRT-1, nalimitahan dahil sa aberya
MANILA, Philippines — Pansamantalang nalimitahan ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) nitong Huwebes bunsod nang dinanas na aberya.
Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa maintenance at operasyon ng LRT-1, nabatid na dakong alas-9:55 ng umaga nang simulan ang pagpapairal ng limitadong operasyon ng rail line.
Dumanas umano ng aberya ang linya kaya nalimitahan ang operasyon nito mula Dr. A. Santos Station hanggang sa Baclaran Station lamang.
Pagsapit naman ng alas-10:07 ng umaga, limitado pa rin ang train operations mula Dr. Santos Station hanggang Baclaran Station at pabalik, at mula Fernando Poe Jr. Station hanggang Central Terminal Station at pabalik.
Tiniyak naman ng LRMC na tinutugunan nila ang problema upang kaagad na maibalik sa normal ang operasyon ng mga tren.
- Latest





















