Pangulong Marcos inalis excise tax sa LPG, kerosene

MANILA, Philippines — Sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang excise tax sa Liquified Petroleum Gas (LPG) at kerosene na pang-araw-araw na ginagamit ng publiko.
“Tinanggal ko na ang excise tax sa LPG at sa kerosene,” anunsiyo ng Pangulo.
Dahil dito kaya mababawasan ng P3.36 kada kilo ang LPG o P37 bawat tangke.
Nilinaw naman ng Pangulo na patuloy pa rin pinag-aaralan ang pag-alis ng excise tax sa diesel at gasolina sa kabila ng mga panawagan at kailangan pa itong pag-usapan muli ng gabinete ngayong araw sa pagpupulong ng UPLIFT commitee.
Bukod dito, ipinag-utos din ni Pangulong Marcos ang pagbabawas sa taripa para makatulong sa pagbaba sa presyo ng pagkain.
Layunin aniya ng hakbang na mabawasan ang pasanin sa mga consumers habang tinitiyak ang proteksyon sa lokal na agrikultura at magkaroon ng balanse.
- Latest





















