^

Bansa

Ridon: All systems go sa VP Sara impeachment

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handang-handa na ang House Committee on Justice sa pagpiprisinta ng mga testigo sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings ni Vice President Sara Duterte ngayong araw, Abril 14.

Ito ang tiniyak ni House Committee on Public Accounts  Chairperson at Bicol Saro Rep. Terry Ridon matapos hindi mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema kaya  maging ang key witness na umano’y bagman ni VP Sara na si Ramil Madriaga ay nakahanda na rin tumestigo.

“Ito ay araw ng mga resibo. Ito ay araw ng ebidensiya. Ito ay araw ng katotohanan,” pahayag ni Ridon.

Nilinaw naman ni Ridon na ang nagsasagawa lang ang Committee ng constitutional preliminary investigation at hindi ito trial.

Kaya giit ni Ridon, na miyembro ng House Committee on Justice, na ang proceedings ay susulong sa itinakda at naayon sa konstitusyon, prevailing jurisprudence at naayon sa House Rules on impeachment.

“Hindi pa ito trial. Tinitingnan pa lamang ng Kamara kung may sapat na basehan upang umusad ang impeachment sa Senado,” ayon kay Ridon.

Iginiit din ng kongresista na ginagawa lang ng Kamara ang kanilang constitutional duty para madetermina kung mayroong sufficient grounds para sa impeachment ni VP Duterte.

“Hindi ito pulitika. Ito ay pagsunod sa mandato ng Konstitusyon upang alamin kung may sapat na basehan ang mga reklamong inihain laban sa ­Pangalawang Pangulo,” ayon pa kay Ridon.

Hindi rin aniya layon ng pagdinig na ma-determine ang guilt kundi i-assess ang mga ebidensya kung papanik ito sa Senado para sa trial.

“Kung may isyu sa kredibilidad ng testigo, dito iyon dapat sinusubok—sa ilalim ng panunumpa, sa harap ng ebidensiya, at sa loob ng proseso,” ayon pa kay Ridon.

Ito rin aniya ang oportunidad para kay VP Sara na pabulaanan ang mga alegasyon laban sa kanya.

IMPEACHMENT

SYSTEMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with