^

Bansa

Sen. Raffy iminungkahi pantay, sistematikong implementasyon ng TUPAD

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos magdeklara ang pamahalaan ng national energy emergency bunsod ng sigalot sa Middle East, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagtalaga sila ng ?1.2 bilyong pondo para sa mga programa nito gaya ng TUPAD bilang tulong pangkabuhayan para sa vulnerable workers, kabilang na ang mga mula sa transport sector na nawalan ng kita.

Kaya bilang pagtitiyak na mapupunta sa nararapat na benepisyaryo ang ayuda sa tamang oras at sistematikong paraan, agad nakipag-ugnayan si Sen. Raffy Tulfo, bilang Chairperson ng Committee on Labor & Employment at Committee on Public Services, kay DOLE OIC Benedicto Ernesto R. Bitonio Jr.

Nilinaw ni Sen. Raffy kay Bitonio ang guidelines at qualifications na gagamitin ng DOLE upang masiguro na magiging sistematiko, walang magaganap na palakasan system na talamak sa pamamahagi ng TUPAD, at hindi ito magsisilbing gatasan lamang ng mga opisyal sa barangay level.

Ayon kay Sen. Raffy, marami na kasi siyang natanggap na reklamo mula sa iba’t ibang barangay na kukuha ng porsyento ang kapitan sa makukuhang ayuda ng mga benepisyaryo at hindi na sila pagtatrabahuhin — na isa dapat sa requirement sa pamamahagi ng TUPAD na kukunin mula sa ?1.2 billion.

Bukod pa rito, sangkaterbang sumbong din ang nakara­ting kay Idol na nagpapakuha lamang ng litrato habang kunwaring nagwawalis ang ilan sa mga benepisyaryo, at saka uuwi na. Kaya inirekomenda ni Sen. Raffy na magpatupad ang DOLE ng mas malalalim at makabuluhang mga aktibidad para sa komunidad na gagawin ng TUPAD beneficiaries.

TUPAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with