PANOORIN: Sara Duterte nanawagan na protektahan ang soberanya ng bansa
MANILA, Philippines — Pinanawagan ni Vice President Sara Duterte ang mas matatag na paninindigan ng mga Pilipino sa pagprotekta sa soberanya at kalayaan ng bansa, kasabay ng paggunita sa Araw ng Kagitingan nitong Huwebes, Abril 9.
Sa kanyang mensahe, binigyang-pugay ni Duterte ang mga bayani ng Bataan na lumaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na aniya ay patunay ng kanilang matinding pagmamahal sa bayan.
“Ang kanilang sakripisyo ay hindi lamang pagpapakita ng lakas-militar. Ito ay isang dakilang pagpapatunay ng pagmamahal sa sariling bayan,” pahayag niya.
Ang Araw ng Kagitingan ay taunang paggunita sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na lumaban sa Bataan noong World War II, at sa kanilang sakripisyong naging simbolo ng paglaban para sa kalayaan.
- Latest




















