^

Bansa

US, Iran nagkasundo sa 2 linggong ceasefire

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkasundo ang Amerika at Iran na magpatupad ng dalawang linggong provisional ceasefire matapos ang last-minute intervention ni Pakistan Prime Minister Shehbaz Sharif.

Ayon sa ulat ng Al Jazeera, pumayag din ang Iran na buksan ang Strait of Hormuz, ang maritime corridor kung saan dumaraan ang malaking bahagi ng suplay ng langis sa buong mundo.

Kinansela ni US President Donald Trump ang banta nito na bobombahin ang mga power plants at mga tulay sa Iran.

“A whole civilization will die tonight, never to be brought back again. I don’t want that to happen, but it probably will,” napaulat na sinabi ni Trump bago maganap ang ceasefire.

Mismong si Trump ang naghayag na magkakaroon ng dalawang linggong ceasefire matapos mamagitan ang Pakistan.

Ayon pa sa ulat, si Sharif ang humiling ng dalawang linggong ceasefire.

Sa isang post sa social media, sinabi ni Trump na, “subject to the Islamic Republic of Iran agreeing to the COMPLETE, IMMEDIATE, and SAFE OPENING of the Strait of Hormuz, I agree to suspend the bombing and attack of Iran for a period of two weeks.”

Sa susunod na dalawang linggo sinabi ni Trump na naniniwala siya na magkakasundo ang US at Iran sa 10-point proposal na inilatag ng Tehran.

Matapos ang paha­yag ni Trump, naglabas ng statement ang foreign minister ng Iran na si Abbas Araghchi, kung saan sinabi niya na pumayag sa ceasefire ang Iran.

AMERIKA

IRAN

PAKISTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with