^

Bansa

Tigil biyahe ng mga dyip nakaamba

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tigil biyahe ng mga dyip nakaamba
Heavy traffic builds up along EDSA-Taft in Pasay City on April 6, 2026 as motorists and commuters return to Metro Manila after the Holy Week break.
Photos by Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nasa kalahati na ng bilang ng mga operator ng passenger jeep na may ruta sa mga pangunahing lansangan ang nagtigil pasada na simula kahapon dahil sa hindi na makayanang taas na halaga ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Orlando Marquez, national president ng Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP), mas darami pa ang bilang ng mga passenger jeep na magtitigil pasada sa mga darating na araw dahil sa epekto ng mataas na halaga ng petrolyo.

Aniya, magsasagawa sila ng national assembly sa Miyerkules para desisyunan ang gaga­wing work stoppage ng mga operator ng passenger bus at mga trak.

Ngayong Martes, April 7, madadagdagan pa ng mula P17 hanggang P19 kada litro ang taas-presyo ng diesel na gamit ng mga pampasaherong sasakyan.

Kinastigo rin nito ang hindi paggamit ng pamahalaan sa emergency powers na naipagkaloob dito ng Kongreso.

Una nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Marso 25 ang pagsuspinde at pagbawas sa excise tax sa oil imports. Ang batas umano ay epektibo ng 15 araw makaraan ang anunsyo rito. Maaari umanong maglabas si Pangulong Marcos ng executive order para rito sa April 12 o sa April  13.

Kinondena rin ni Marquez ang aniya’y hindi na makayanang pagkakaloob umano ng pamahalaan ng fuel subsidy sa mga driver ng pampasaherong sasakyan na nasa P5,000.

Aniya, nagsumite ang isang chapter ng LTOP ng 168 qualified members pero 31 lamang ang nakatanggap ng cash aid.

PASSENGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with