^

Bansa

Iran tinarget Israel, Kuwait

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

Sagot sa 48-oras ultimatum ni Trump

MANILA, Philippines — Naglunsad ang Iran ng mga missile at drone sa Israel at Kuwait nitong Linggo, Abril 5, isang araw matapos ang itinakdang 48-oras ni US President  Donald Trump para sa pagpirma ng kasunduan kaugnay sa pagbubukas ng Strait of Hormuz.

Ipinaalala ni Trump sa kanyang social media nitong Sabado ang kanyang ultimatum na inilabas noong Marso 26.

“Remember when I gave Iran ten days to MAKE A DEAL or OPEN UP THE HORMUZ STRAIT. Time is running out -- 48 hours before all Hell will reign (sic) down on them,” sabi ni Trump.

Iniulat din na binalewala ng central military command ng Iran ang ultimatum ni Trump at sinabi ni General Ali Abdollahi Aliabadi na ang banta ni Trump ay isang “helpless, nervous, unbalanced, and stupid action.”

Sa pahayag ng Kuwait at Israel, ang kanilang mga depensa sa himpapawid ay tugon sa mga pinakabagong pag-atake mula sa Iran, bahagi ng digmaang sumiklab mahigit isang buwan na ang nakalilipas.

Ang giyera ay kumalat na rin sa buong Middle East na lubhang nakaapekto sa ekonomiya ng mundo.

Ayon sa deputy governor ng Khuzestan province, lima katao ang namatay noong Sabado sa ginawang pag-atake ng Israel o Amerika sa isang petrochemical hub sa southwest ng Iran.

HORMUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with