'Mainit at maalinsangang panahon' ngayong Maundy Thursday
MANILA, Philippines — Dala ng umiiral na easterlies ang mainit at maalinsangang panahon sa Katimugang Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Maundy Thursday, April 2, ayon sa PAGASA.
Ayon sa PAGASA, mababa ang tsansa ng malawakang pag-ulan, at kung magkakaroon man ng pag-ulan, ito ay inaasahang panandalian at isolated lamang.
Wala ring binabantayang low-pressure area o bagyo ang ahensya sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Dagdag pa ng PAGASA, walang inaasahang mabubuong sama ng panahon sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Ang easterlies ay mainit na hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko na karaniwang nagdudulot ng maalinsangang panahon. — reports from Geraldine Santos
- Latest



















