^

Bansa

P1.2 bilyong dagdag suporta sa transport workers

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglaan ang pamahalaan ng karagdagang P1.28 bilyong halaga ng suporta para sa mga manggagawa sa transportasyon sa susunod na linggo.

Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamimigay ng naturang pondo simula sa Abril 6.

“Mahigit 256,000 na transport workers sa Metro Manila ang nakatanggap na ng P5,000 na cash assistance,” pahayag ng Pangulo.

Bukod pa ito sa P1.28 bilyon na ibibigay sa susunod na linggo.

Inisa-isa rin ni Marcos ang mga ginagawang hakbang ng gob­yerno para maibsan ang epekto ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa mga Pilipino, kabilang dito ang pagbibigay ng 50% discount sa pasahe sa LTR-2 at MRT-3 kung saan makikinabang ang 12 milyon mga pasahero.

Gayundin ang pansamantalang diskwento sa toll sa mga jeepney, bus at freight foot transport sa NLEX, SLEX, at STAR.

Inanunsiyo din ni Marcos na simula Abril 15, kokolekta ang mga pantalan ng P1 para sa RORO terminal fee para sa mga sasakyan na magdadala ng mga produktong agrikultural.

Dagdag pa ng Pa­ngulo na naglaan ang gobyerno ng P2.5 bil­yon sa fuel subsidies sa mahigit na 1.4 milyon driver-beneficiaries at unit operators.

Habang 155 drivers at 55.252 unit operators ang nakatanggap ng fuel subsidy na nagkakahalaga ng P300 milyon.

TRANSPORTASYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with