ECOP: Hindi magkakaroon ng fuel shortage ang Pinas
MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na hindi magkakaroon ng shortage o kakulangan ng suplay ng fuel sa Pilipinas sa hinaharap.
Ayon kay ECOP Pres. Sergio Ortiz Luis Jr., maraming potensiyal na sources na mapagkukuhanan ng suplay ng langis ang bansa.
Aniya, hindi lamang sa Strait of Hormuz maaaring manggaling ang suplay ng langis.
Maaari rin aniya itong magmula sa Panama Canal, China at Russia.
Paniniyak pa niya, maraming nag-aalok ng suplay ng langis sa Pilipinas kaya’t siguradong hindi tayo mauubusan ng suplay.
“Napatunayan namin na ‘di magkakaroon ng shortage. Hindi lang sa Strait of Hormuz, may Panama Canal, may China, may Russia. Maraming nag-aalok,” anang ECOP president.
“Sigurado tayong hindi tayo mauubusan ng supply,” aniya pa.
- Latest



















