^

Bansa

Pangulong Marcos: CAVITEX- C5 segment 3B libre toll buong Abril

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: CAVITEX- C5 segment 3B libre toll buong Abril
President Ferdinand Marcos Jr. inspects the newly opened CAVITEX C5 Link Segment 3B in Parañaque on March 30, 2026.
Noel Pabalate/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na libre ang toll fee sa buong buwan ng Abril sa bagong bukas na CAVITEX-C5 segment 3B sa Parañaque City.

Inihayag ito ng Pa­ngulo matapos pormal na buksan ang segment ng CAVITEX para mabawasan ang pasanin ng mga motorista lalo na ngayong tumataas ang presyo ng langis.

Ayon sa Pangulo, ang pagbubukas ng segment ay makakatulong dahil mababawasan ang oras ng biyahe mula sa dating isa at kalahating oras ay magiging 15-minuto na lamang.

“Ito, toll free ito buong Abril, mula ngayon hanggang end of April. Para mapagbigyan ang ating mga kababayan na dumadaan dito lalong-lalo na ngayong Holy week,” ayon kay Marcos.

Dahil sa pagbubukas ng CAVITEX-C5 segment 3B ay mas ­maikli na ang biyahe mula sa Taguig patungong Parañaque City at mas malaki ang matitipid sa gasolina ng mga moto­rista at comuters.

Mapakikinabangan na rin ito ng 36,000 na mga motorista at commuter na may rutang Taguig-Para­ñaque.

MOTORISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with