DOE: 145.43 MW enerhiya, natipid sa Earth Hour

MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Energy (DOE) na nakapagtala ang bansa ng kabuuang pagbaba ng demand sa kuryente na 145.43 megawatts (MW) sa panahon ng Earth Hour 2026.
Ayon sa DOE, ang Luzon ay nakatipid ng 75.25 MW; 66.6 MW sa Visayas at 3.58 MW sa Mindanao sa pamamagitan nang pagpapatay ng kuryente sa loob ng isang oras.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas malawak na kahalagahan ng taunang pagdiriwang.
“Ipinapaalala sa atin ng Earth Hour na ang paraan ng paggamit natin ng enerhiya ay may epekto sa ating lahat, at ipinapakita nito hindi lamang ang ating mga ginagawa, kundi ang uri ng kinabukasang nais nating buuin para sa ating bansa at sa ating planeta,” ayon kay Pang. Marcos.
Muli rin namang nanawagan ang DOE sa publiko na ipagpatuloy ang diwa ng Earth Hour lampas sa taunang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga energy-efficient na gawain sa tahanan at sa lugar ng trabaho.
- Latest


















