^

Bansa

Petron, handang ibenta ni Ramon Ang sa gobyerno

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Petron, handang ibenta ni Ramon Ang sa gobyerno
Undated photo of San Miguel Corp. President and CEO Ramon Ang.
The Philippine STAR / File

MANILA, Philippines — Handa ang business tycoon na si Ramon Ang na ipagbili sa gobyerno ang kanyang kumpanyang Petron Corporation, na itinuturing na pinakamala­king oil refiner at retailer sa bansa, sa gitna ng dinaranas na krisis sa langis.

Ayon kay Ang, makikipagtulungan siya sa pagsusumikap ng pamahalaan na pagaanin ang pasanin ng publiko dahil sa dinaranas na global oil price shock.

Nangako rin si Ang na hindi sila magsasamantala sa kasalukuyang krisis sa langis.

“I promise the public, we will not take advantage of this fuel crisis. ‘Di kami kikita ng mahigit pa sa normal and I’m willing even to lower the income. Balewala ‘yun sakin —‘yung income,” ani Ang, chairman, president at CEO ng Petron, sa sidelines ng pagbubukas ng NAIA Expressway Phase II.

“Sabi ko nga eh, kung gusto ng gobyerno puwedeng ngang bilhin ng gobyerno ang Petron sa ‘kin eh. Kung sa tingin nila mas magaling sila magpatakbo ‘di ba? In short, you have my 100% cooperation na tutulungan ‘yung mga kababayan natin,” aniya pa.

Matatandaang noong 2021 ay una nang inialok ni Ang sa Kongreso na ipag­biling muli sa pamahalaan ang Petron.

Tiniyak naman ni Ang sa isang hiwalay na pahayag, na ang naturang alok ay bukas pa rin hanggang sa ngayon.

ANG

RAMON ANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with