^

Bansa

Diesel sisipa sa halos P150/L

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Diesel sisipa sa halos P150/L
Ayon sa isang oil industry source, base sa pagtaya ng Mean of Platts Singapore (MOPS) trading sa nakalipas na apat na araw, maaaring magkaroon ng mula P11 hanggang P12 kada litro na pagtaas sa presyo ng diesel sa susunod na linggo.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Posible umanong pumalo na sa halos P150 kada litro ang presyo ng diesel, bunsod ng inaasahang panibagong double-digit na pagtaas ng presyo nito sa susunod na linggo.

Ayon sa isang oil industry source, base sa pagtaya ng Mean of Platts Singapore (MOPS) trading sa nakalipas na apat na araw, maaaring magkaroon ng mula P11 hanggang P12 kada litro na pagtaas sa presyo ng diesel sa susunod na linggo.

Kung magkatotoo ito, ang presyo ng diesel ay inaasahang papalo na ng P118 hanggang P146.3 kada litro.

Marso 24 hanggang 30, ang pump price range para sa diesel ay nasa P107 hanggang P134.30 matapos ang upward adjustment na P15 hanggang P18 kada litro.

Samantala ang gasolina naman ay tinatayang hindi magkakaroon ng pagbabago o ‘di kaya ay tataas ng mula P3 kada litro, na magreresulta sa pagtaas ng hanggang P115.4 kada litro.

MOPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with