Sotto: Oil companies sa Pinas abusado

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Senate President Vicente Soto III na abusado ang mga kompanya ng langis sa Pilipinas na tuloy ang ginagawang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo kahit wala namang dumarating na bagong langis sa bansa.
Ayon kay Sotto, tama siya nang igiit na ibasura na ang Oil Deregulation Law dahil abusado ang mga Pinoy oil companies.
Ang itinaas na presyo ng langis sa bansa ay umabot na sa 97 porsyento na pinakamataas sa Asia.
Nauna rito, inihain ni Sotto ang panukalang batas na ganap na magbabasura sa Republic Act 847 at ibalik sa pamahalaan ang kapangyarihang mag-regulate ng presyo ng langis sa bansa.
“Ako ay hindi bumoto pabor sa pagpasa ng Oil Deregulation Law noong 1998, at noong 2022 ay itinulak ko ang pagrerepaso ng batas na ito,” ani Sotto.
Bago ang RA 8479, ang Energy Regulatory Board ang nagtatakda ng presyo ng produktong petrolyo batay sa pandaigdigang presyo ng langis at palitan ng dolyar, habang sinasalo ng Oil Price Stabilization Fund ang mga pagbabago upang maiwasan ang biglaang pagtaas o pagbaba ng presyo sa merkado.
“Panahon na upang ibalik sa estado ang kapangyarihang pamahalaan ang presyo ng langis. Sa gitna ng epekto ng tensyon sa Middle East sa ating presyo ng petrolyo, higit na kinakailangan ang transparency, masusing pagsusuri, at pagkakapare-pareho sa pagpepresyo,” ani Sotto.
- Latest
























