^

Bansa

‘People’s court’ vs VP Sara niluluto ng civic groups

Gemma Garcia, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘People’s court’ vs VP Sara niluluto ng civic groups
Vice President Sara Duterte.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Balak ng isang  civic group na magtatag ng isang parallel na “People’s Court” kasabay ng posibleng paglilitis ng Senado sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Jaime Regalario, chairman ng Kilusang Makabansang Ekonomiya (MKE), layunin ng grupo na magtatag ng “people’s counterpart” na susubaybay at sasabay sa mga pagdinig ng Senado.

Sinabi ni Regalario na kasalukuyan na nilang tinatalakay, kasama ang ilang obispo at kaparian mula sa iba’t ibang kongregasyon, ang pagbuo ng naturang People’s Court na magsasagawa rin ng sariling pagdinig habang isinasagawa ang opisyal na paglilitis sa Senado.

Inihayag din niya na bagama’t handa silang magsagawa ng aktibidad sa labas ng Senado, mas nais nilang makakuha ng pahintulot upang maisagawa ito sa loob mismo ng compound.

Dagdag pa ni Regalario, plano nilang kunin at ipresenta ang parehong ebidensya na ihaharap sa Senado upang maipakita rin ito sa kanilang People’s Court, na isasagawa kasabay ng mga opisyal na pagdinig.

Aniya, layunin ng inisyatiba na mailapit ang proseso sa publiko at mabigyan ng pagkakataon ang iba’t ibang sektor ng lipunan na makilahok, kabilang ang pamamagitan ng mass mobilization.

Ibinahagi rin niya na balak nilang mag-imbita ng mga retiradong miyembro ng hudikatura, kabilang sina dating chief justices Maria Lourdes Sereno at Reynato Puno, upang maging bahagi ng nasabing People’s Court.

Ayon kay Regalario, magsisilbi itong anyo ng pagbabantay ng mamamayan upang matiyak ang pananagutan at transparency, kahit pa magkaiba ang maging resulta nito kumpara sa desisyon ng Senado.

Nilinaw naman niya na hindi ito isang “kangaroo court,” kundi isang lehitimong paraan ng pakikilahok ng mamamayan sa mga mahahalagang usaping pambansa.

Target ng grupo na ilunsad ang People’s Court kasabay ng pagsisimula ng impeachment hearings sa Senado.

JAIME REGALARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with