^

Bansa

Diesel papalo na sa P130/L, P100/L sa gasolina

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Diesel papalo na sa P130/L, P100/L sa gasolina
Ayon sa isang oil industry source, inaasahan nilang ang presyo ng diesel ay tataas ng mula P14.00 hanggang P14.50 kada litro sa susunod na linggo habang ang gasolina naman ay inaasahang sisipa ng mula P7.00 hanggang P7.50 kada litro.
STAR / Edd Gumban

Sa oil price hike sa Martes

MANILA, Philippines — Asahan na ang panibagong pagsipa ng ­presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, bunsod na rin nang pagtuloy na ­paglala ng giyera sa Gitnang Silangan.

Ayon sa isang oil industry source, inaasahan nilang ang presyo ng diesel ay tataas ng mula P14.00 hanggang P14.50 kada litro sa susunod na linggo habang ang gasolina naman ay inaasahang sisipa ng mula P7.00 hanggang P7.50 kada litro.

Dahil dito, ang retail prices ng diesel sa bansa ay maaaring umabot na ng hanggang P130 kada litro habang ang gasolina naman ay aabot na ng higit P100 kada litro.

Anang industry source, ang inaasahang panibagong mega oil price hike ay bunsod ng pangamba sa paghihigpit sa suplay ng langis dahil na rin sa pinsala sa mga energy infrastructures sa Middle East dulot ng giyera.

Matatandaang dalawang magkasunod na linggo nang nagpatupad ang mga oil companies ng malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Sa kabila naman nito, tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng langis ngunit binalaan nito ang publiko laban sa pag-iimbak o hoarding.

“What is unpredictable is the hoarding part. Kung mag-hoard ang isa, maapektuhan ang iba, especially ang PUVs (If one will hoard, everybody will be affected especially the PUVs). We need to curtail hoarding and not cause more panic among our people,” sabi ni Energy Secretary Sharon Garin.

SOURCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with