^

Bansa

Toll fee discount sa PUVs, PUBs, freight services ipapatupad

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Simula Marso 23

MANILA, Philippines —Inianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na ang mga public utility vehicles (PUVs), public utility buses (PUBs) at mga sasakyan nagkakaloob ng freight services ay pagkakalooban ng two-month reprieve sa toll rates, kasunod nang pagpayag ng mga private concessionaires na magbigay ng discounts sa major tollways, simula sa Marso 23.

Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa DOTr na humanap ng mga pamamaraan upang mabawasan ang epekto sa mga mamamayan ng sumisirit na presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa, dulot ng krisis sa Middle East.

Sa kanyang liham kay Transportation Secretary Giovanni ‘Banoy’ Lopez, sinabi ni Toll Regulatory Board (TRB) Executive Director Jay Art Tugade na ang mga tollway concessionaires/operators ay ­boluntaryong magpapatupad ng temporary toll discount para sa essential transport sectors.

Ang toll rate adjustments ay para sa Class 1 PUVs/Jeepneys, Class 2 Public Utility Buses (PUBs) at Class 3 vehicles na may kinalaman sa freight services, kabilang na ang logistics at pagbibiyahe ng mga essential goods.

“Nagpapasalamat tayo sa San Miguel Corp., kay Mr. Ramon Ang, at sa Metro Pacific Tollways Corp., kay Mr. Manny Pangilinan dahil malaking tulong ito sa ating mga PUV drivers, commuters, pati na rin sa ating mga mamimili at mga negosyante sa kabila ng kinakaharap nating krisis ngayon sa langis,” pahayag ni Lopez.

Ipatutupad ang discount sa inisyal na dalawang buwan at maaaring mapalawig pa.

Sa tulong ng naturang adjusted toll rates, ang Class 1 vehicles ay inaasahang makatitipid ng hanggang P18 per end-to-end trip, habang ang Class 2 at Class 3 ay makatitipid ng P47-P72 kada biyahe.

Anang DOTr, ang toll discounts ay ipagkakaloob sa pamamagitan ng rebates, na lingguhang iki-credit sa lahat ng kuwalipikadong behikulo.

PUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with