Piso bumagsak sa 60.10:$1

MANILA, Philippines — Bumagsak ang Piso sa antas na P60.10:$1 sa unang pagkakataon nitong Huwebes habang tumataas ang pandaigdigang presyo ng langis dahil sa patuloy na gulo sa Middle East.
Ang piso ay umabot sa 60.10:$1 matapos buksan ang sesyon sa P59.9:$1.
Ito na ang pinakamahinang pagpapakita ng lokal na pera matapos maabot ang intraday low na P59.95:$1 noong Marso 16, 2026. Nagsara ito noong Miyerkules, Marso 18, sa P59.52:$1.
Ito ay kasabay ng pagtaas ng benchmark na presyo ng krudo ng Brent ng humigit-kumulang 5% sa mahigit $108 matapos matamaan ang Pars gas field ng Iran.
Naglabas na ang Iran ng listahan ng mga prominent regional oil at gas targets sa rehiyon ng Saudi Arabia, United Arab Emirates at Qatar, na sinabi nitong “direkta at lehitimong target” at dapat na agad na ilikas sa mga susunod na oras.
Nauna nang nagbabala ang Department of Economy, Planning, and Development (DepDev) na maaaring bumilis ang inflation hanggang mahigit sa 7% kung sakaling lumala pa ang gulo sa Middle East sa mas mahabang panahon.
Tinitingnan na ngayon ng gobyerno ang posibilidad na suspindihin ang excise tax sa mga fuel products.
- Latest



















