^

Bansa

Gobyerno handang i-hire mga OFWs na IT, guro

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bukas ang gobyerno na kunin ang mga overseas Filipino workers (OFWs) lalo na ang mga guro at mga eksperto sa Information Techno­logy (IT) na mawawalan ng trabaho pagbalik sa Pinas.

Ginawa ni Executive Secretary Ralph Recto ang pahayag sa gitna ng patuloy na repatriation ng mga OFW na naapektuhan ng giyera sa Middle East.

Makatutulong aniya ang mga IT at mga guro upang matugunan ang technical deficit industry na kinakaharap ng ­gobyerno.

“They can address the technical deficit industry that the government is facing,” ani Recto.

Ayon pa kay Recto, ilang ahensiya ng ­gobyerno ang nagbukas ng trabaho para sa mga kuwalipikadong OFWs, tulad ng Department of Education.

Tiniyak ni Recto na magpapatuloy ang pagpapauwi sa mga OFWs sa pamamagitan ng flights na inihanda ng gobyerno mula sa mga lugar na apektado ng kaguluhan.

Bagaman at magastos aniya ang chartered flights, mayroong sapat na pondo upang maiuwi ang mga Pilipino sa Middle East.

GURO

IT

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with