^

Bansa

MOA nilagdaan ng Navy at Globalport para sa ARU

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilagdaan ng Philippine Navy at Globalport Terminals Inc. (GTI) ang isang Memorandum of Agreement (MOA) kung saan magiging Affiliated Reserve Unit (ARU) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang GTI.

Ito ang lalo pang nagpalakas sa kooperasyon ng military at private maritime sector.

Ang MOA ay pinirmahan nina Vice Admiral Jose Maria Ambrosio Ezpeleta, ang Flag Officer in Command ng Philippine Navy, at Globalport Terminals Inc. chairwoman Sheila Romero at sinaksihan ni Globalport Terminals Inc. Director Milka Romero.

Ang partnership ang nagbibigay ng karapatan sa Navy na gamitin ang nationwide network ng mga port terminals ng Globalport bilang logistical hubs para sa Civil–Military Operations (CMO) at Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR). Sa ilalim ng kasunduan, ang mga Globalport ports ay maaaring magsilbing operational staging areas para sa mga naval at humanitarian missions at sa mabilis na pagpapadala ng mga personnel, equipment at relief supplies sa panahon ng mga disasters at national emergencies.

Ang MOA rin ang maglalaan ng mga piling port facilities para maging naval operating bases at command centers kapag kailangan na magbibigay sa Navy na panahong palawakin ang kanilang operational reach sa mga key maritime corridors sa archipelago.

Inilunsad noong 2012 ni dating Deputy Speaker Mikee Romero, lumaki ang Globalport Terminals Inc. bilang isa sa mga major port operators sa bansa. Nauna nang pinamahalaan ng Globalport ang mga major port facilities kasama ang Manila North Harbour at Harbour Centre na parehong key maritime gateways sa Manila.

MOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with