^

Bansa

DA: ‘Wag mag-panic buying sa bigas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
DA: ‘Wag mag-panic buying sa bigas
Ito, ayon sa DA ay dahil mayroon aniya tayong sapat na suplay ng bigas lalo na ng P20-per-kilo bigas program na naibebenta sa mga Kadiwa Program Center ng pamahalaan sa ibat ibang lugar sa bansa at panahon na ng anihan ngayong Marso.
Photos by Michael Varcas/The Philippine STAR) | via Sheila Crisostomo

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na huwag mag-panic sa pagbili ng bigas lalo na ng P20 murang bigas sa mga pamilihan.

Ito, ayon sa DA ay dahil mayroon aniya tayong sapat na suplay ng bigas lalo na ng P20-per-kilo bigas program na naibebenta sa mga Kadiwa Program Center ng pamahalaan sa ibat ibang lugar sa bansa at panahon na ng anihan ngayong Marso.

Ang pahayag ay ginawa ng DA matapos lumabas ang mga ulat na may ilang grupo umanong sinusubukang dagsain ang mga distribution point ng bigas partikular ang P20 bigas na nagdudulot ng espekulasyon na nauubos na ang suplay dulot ng tensiyon sa Middle East.

Tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa publiko na nananatiling sapat ang imbentaryo ng bigas sa bansa at patuloy ang paggiling ng palay ng National Food Authority (NFA) upang mapunan ang mga ibinebenta sa mga KADIWA centers sa bansa.

“Nauunawaan namin na ang tensyon sa Middle East ay nagdudulot ng pangamba sa maraming Pilipino, lalo na sa mga nasa mahihinang sektor. Ngunit ang pagkilos dahil sa takot ay lalo lamang magpapalala sa sitwas­yon. Mayroon tayong sapat na rice buffer at magandang ani,” paliwanag ni Tiu Laurel.

Binalaan din ng DA ang mga mapagsamantalang negosyante na iwasan ang hoarding dahil agad ang mga ito mapaparusahan kapag nahuli ng ahensiya at Department of Trade and Industry (DTI).

Hinikayat din nito ang mamamayan na bumili lamang ng bigas na sapat para sa pang-araw-araw na konsumo ng pamilya upang maki­nabang din dito  ang iba.

DA

LAUREL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with