^

Bansa

Risk-based nicotine policies maaaring makapagligtas ng milyun-milyong buhay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang mga global health experts at siyentipiko na ipatupad ang risk-proportionate regulation para sa mga nicotine products upang mapabilis ang pagbaba ng bilang ng mga naninigarilyo sa buong mundo.

Ayon sa kanila, hindi sapat ang kasalukuyang mga polisiya upang matugunan ang pangangailangan ng mahigit isang bilyong smokers sa buong mundo.

Ang panawagan ay sinusuportahan ng mga scientific at economic data na inilatag sa mga kamakailang global summits tungkol sa tobacco harm reduction.

Batay sa ulat na Global State of Tobacco Harm Reduction, kung 20 porsiyento ng mga naninigarilyo sa buong mundo ay lilipat sa low-risk smoke-free alternatives sa loob ng susunod na 10 hanggang 15 taon, maaaring mabawasan ng kalahati ang mga pagkamatay na dulot ng paninigarilyo pagsapit ng 2060.

Sinabi ng mga eksperto na kinakailangan ang isang “reset” sa global policy upang bigyang-prayoridad ang innovation at mas mababang risk na alternatibo tulad ng e-cigarettes, nicotine pouches at heated tobacco products kumpara sa combustible cigarettes.

Kabilang sa mga nananawagan para sa reporma sina dating World Health Organization Policy Research function director Tikki Pang, dating WHO official Derek Yach, Institute for Economic Affairs economist Chris Snowdon, at Clearing the Air co-founder Peter Beckett.

Nagbabala sila na ang kabiguang baguhin ang mga polisiya ay maaaring magdulot ng matagalang health at economic strain lalo na sa mga low- and middle-income countries.

“Our findings suggest that embracing harm reduction alongside conventional measures could roughly double the lives saved compared to current policies alone,” the authors said in a joint report.

“Across the 23 countries analyzed, over 14 million additional premature deaths could be averted by 2060. Extrapolated worldwide, over 100 million lives could be saved - preventing over 3 million deaths a year,” anila.

Isang comprehensive Cochrane review ang nakakita ng high-certainty evidence na mas epektibo ang e-cigarettes sa pagtulong sa mga smokers na huminto kumpara sa traditional nicotine replacement therapies. Samantala, ipinakita ng ulat ng Public Health England na ang vaping ay 95 percent less harmful kaysa sa cigarettes.

Sinabi ni University College London researcher Dr. Robert West na ang layunin na mabawasan ang pagkamatay at sakit ay nangangailangan ng mga polisiya na sumasalamin sa epidemiological evidence tungkol sa antas ng panganib ng iba’t ibang nicotine products.

Ayon naman kay Imperial College London professor Dr. David Nutt, umaabot sa humigit-kumulang 8 milyong katao ang namamatay bawat taon dahil sa paninigarilyo, at maaaring makabawas ng panganib ang smoke-free alternatives para sa mga hindi tumitigil sa paggamit ng nicotine.

Pinamunuan din ni Rutgers Institute for Nicotine and Tobacco Studies director Cristine Delnevo ang isang pag-aaral na inilathala sa JAMA Network Open na nagsasabing maaaring makatulong ang nicotine pouches sa harm reduction.

Sa Pilipinas, nagsagawa rin ng pag-aaral si Professor Christopher Cabuay na pinamagatang “Assessing the Impact of Shifting to Non-Combusted Alternatives to Reduce the Economic Cost of Tobacco-Related Illnesses.”

Ayon sa pag-aaral, kung kalahati ng mga adult smokers sa bansa ay lilipat sa non-combustible alternatives, maaaring makatipid ang bansa ng $3.4 billion kada taon o katumbas ng 0.87 percent ng gross domestic product.

NICOTINE

PRODUCTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with