^

Bansa

Disiplina campaign ilalarga para sa mga tamad

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Plano ng gobyerno na maglunsad ng programa laban sa mga ta­mad lalo na sa hanay ng mga kabataan.

Ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pahayag sa kanyang vlog bilang tugon sa mungkahi ng isang netizen na magkaroon ng mas maraming training ang mga kabataan upang maging disiplinado dahil marami na raw sa kanila ang tamad gayung sila ang pag-asa ng bayan.

Sinabi naman ni Marcos na “kabataan o hindi, kinakailangan talaga na mas malakas na kampanya sa disiplina. Asahan mo na may ilulunsad tayong programa sa mga susunod na linggo,” ani Marcos.

Sinabihan din ng Pa­ngulo ang Metro Manila Development Authority na i-rollout na ang programa na tinawag niyang Disip­lina Campaign.

Hindi naman nagbigay ng ibang detalye ang Pangulo kaugnay sa ipapatupad na programa.

Sa nakaraang vlog ng Pangulo ay tinukoy ang mga bawal sa ibang mga bansa na maaari namang maipatupad, tulad ng pagbabawal ng chewing gum sa Singapore.

PLANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with