House inutos ethics probe kay Suntay
MANILA, Philippines — Ipinag-utos na ng Kamara ang pagsasalang sa House Committee on Ethics and Priveleges kay Quezon City 4th District Rep. Jesus “Bong” Suntay kaugnay ng pahayag nito “nag-init” ng makita ang sexy actress na si Anne Curtis.
Kasunod ito ng privilege speech ni Laguna Rep. Ann Matibag, chair ng Committee on Women and Gender Equality na kinondena ang pahayag ni Suntay at ini-refer ang kaso sa Committee on Ethics and Priveleges.
Si Assistant Majority Leader Ysabel Maria Zamora, vice chair ng Women and Gender Equality na pormal na mai-refer ang talumpati ni Matibag sa Ethics panel.
Dahil walang tumutol ay idineklara ni Deputy Speaker Janette Garin na nag-preside sa session na aprubado ang mosyon.
Ang kontrobersyang kinakaharap ni Suntay ay nag-ugat ng sabihin nito sa Justice panel na nagpapatawa lamang umano si VP Sara nang sabihin nitong siya ang ‘designated survivor’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa pagtatanggol ni Suntay kay VP Duterte ay inihalimbawa nito ang analohiya na para lang yang si Anne Curtis na ng makita umano niya sa isang mall ay napakaganda pala, siya’y nag-init at nagpantasya matapos na mabighani sa aktres.
Humingi na ng sorry si Suntay pero nanindigan na hindi niya umano binabago ang kanyang analohiya na talagang napakaganda ni Anne Curtis. Inihayag pa ni Suntay na handa siyang harapin ang imbestigasyon ng Ethics Committee.
- Latest


















