^

Bansa

Kontra-Kuwento: Makabayan Bloc ‘double standard,’ ‘ipokrito’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos ng isang media group na Kontra-Kuwento na binubuo ng mga dating kadre ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP–NPA–NDF), ang Makabayan bloc dahil umano’y sa double standard, duplicity, at political shamelessness kasunod ng mga alegasyong nag-uugnay sa mga dating mambabatas nito sa kuwestiyonableng disbursement ng flood control funds.

Sa artikulong pinamagatang “Lahat ng Sangkot Dapat Managot? Makabayan Bloc, Sangkot sa Flood Control Scam,” tinutukan ng Kontra-Kwento ang umano’y pagkakasangkot ng mga dating kinatawan na sina France Castro, Arlene Brosas, at Raoul Manuel kaugnay ng mga tinaguriang “ghost” flood control projects.

Ayon sa publikasyon, may joint affidavit na nagsasabing malalaking halaga ng pera — na umano’y inilagay sa mga maleta — ang ipinamahagi kaugnay ng mga proyektong nasa papel lamang kahit tumanggap ng bilyun-bilyong piso mula sa national budget para sa flood mitigation.

“Ang grupo na ito ay madalas na nagpo-pose bilang tagapagtanggol ng mahihirap at kritiko ng korapsyon sa gobyerno… ngunit kapag sila mismo ang inakusahan… ay nagiging doble ang standard,” ayon sa artikulo, na itinuring ang isyu bilang test ng moral consistency.

Anila, ito ay duplicity na sumisira sa tiwala ng publiko.

Giit ng artikulo, kung inosente ang mga dating mambabatas, ang tamang tugon ay full transparency at cooperation sa imbestigasyon — hindi reflexive dismissal.

CPP

NDF

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with