^

Bansa

Anti-Road Rage Act itinulak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihain sa Kamara ni House Majority leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang panukalang gawing krimen ang road rage at higpitan ang parusa laban sa agresibo at ­mapanuyang pagmamaneho at magbigay ng malinaw na mensahe na ang mga pampublikong kalsada ay hindi lugar para sa pananakot, pagbabanta at karahasan.

Layon ng House Bill No. 8190 o “Anti Road Rage Act” na magtakda ng malinaw na hangganan sa pagitan ng karaniwang paglabag sa trapiko at mga sinasad­yang kilos na maglalagay sa ­panganib ng buhay.

Sinabi ni Marcos na nakabatay ang panukala sa isang pangunahing prinsipyo ng kaligtasan ng publiko sa pagitan ng ordinaryong traffic violations at mga hakbang na karaniwan ay nadadamay ang mga inosenteng commuter, pasahero at pedestrian.

“We cannot allow road rages to continue on our roads, because one reckless  decision can turn into a lifelong tragedy for an innocent family,” saad pa ni Cong. Marcos.

Sa ilalim ng HB 8190, maituturing ang road rage bilang sinasadya at agresibong kilos ng isang driver o sakay ng sasakyan na nag-uugat sa insidenteng may kaugnayan sa trapiko na isinasagawa para manakot, magbanta, mang-harass, gumanti o manakit ng kapwa gumagamit ng kalsada at nagdudulot ng ma­linaw at kasalukuyang ­panganib sa buhay, katawan o ari-arian.

Sinabi pa ni Marcos na mahalaga ang malinaw na depenisyon para mabigyan ng mas epektibong kasangkapan ang mga tagapagpatupad ng batas at mga pisikal na laban sa mga insidenteng kadalasang lumalala, tulad ng habulan, pagharang at pagbabanta na magsisimula sa simpleng alitan sa kalsada at nauuwi sa pinsala o kamatayan.

Itinatakda ng panukala ang pagkakakulong ng anim na buwan hanggang isang taon o multang P20,000-P100,000 o pareho.

Kung magbunga ito ng dalawa o higit pang less serious physical injuries o ng serious physical injury o kamatayan, ang akusado ay sasampahan ng kasong intentional felonies alinsunod sa Revised Penal Code, at ipapataw ang mga kaukulang parusa sa pinakamataas na antas, bukod pa sa karagdagang multang P200,000 hanggang P500,000.

Para matugunan naman ang ugat ng ganitong pag-uugali, inaatasan ang mga nagkasala na sumailalim sa anger management training na itatakda ng hukuman sa pakikipag-ugnayan sa MMDA at PNP.

ROAD RAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with