Kamara tutok sa amyenda sa RTL, Adhoc vs hoarding, smuggling
MANILA, Philippines — Tinututukan ng House Committee on Agriculture and Food ang panukalang batas na mag-aamyenda sa Rice Tariffication Law o RA 11203 of 2019.
Ayon kay Quezon Rep. Mark Enverga, chairman ng Komite, ang nasabing panukala ay nakapaloob sa House Resolution number 1 na inakda ni dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ayon kay Enverga, medyo masalimuot at maraming kinakaharap ang panukala kaya kailangan ang mas malawak na konsultasyon bago matalakay ng pormal.
Nagsimula na rin aniya sila Technical Working Group at baka sa susunod na buwan ay maumpisahan na ang pagtalakay sa komite.
Giit pa ni Enverga na isa pa rin sa tinututukan ngayon ng komite ay ang pagkakaroon ng katuparan ang pagbuo ng Quintacom.
Bukod dito, naniniwala ang kongresista na dapat bantayan ang presyo ng bilihing pagkain partikular ang presyo ng bigas.
Idinagdag pa ni Enverga na sa liderato ni Speaker Bodjie Dy, umaasa sila na sana ay mabuo na ang adhoc committee upang kahit paano ay mamonitor ang presyo ng bilihin at masiguro na walang hoarding at smuggling.
- Latest




















