South Korean Pres. bibisita sa ‘Pinas
MANILA, Philippines — Bibisita sa Pilipinas si South Korean President Lee Jae Myung para sa kauna-unahang state visit matapos na maging epektibo ang Free Trade Agreement o FTA.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na sa Marso 3-4 dadating si President Lee bilang tugon na rin sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos na maging epektibo ang FTA noong Disyembre 31, 2024.
Pangungunahan naman ng Pangulo at Unang Ginang Liza Marcos, ang pagtanggap kay Lee at First Lady Kim Hee Keon, sa Palasyo sa March 3.
Kasabay ng pagbisita ni President Lee ang ika-77 anibersaryo ng pagtatag ng diplomatic relations ng Pilipinas at South Korea noong March 1949.
- Latest























