^

Bansa

‘Oplan Tokhang’, DDS iprinisinta sa Day 2 ng ICC hearing

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinalakay sa ikalawang araw ng confirmation of charges hearing sa Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court ang Oplan Tokhang ni dating Pangulong Rodrigo na naganap sa Metro Manila at ang mga patayan sa Davao City na isinagawa umano ng Davao Death Squad (DDS).

Unang nagprisinta ang trial lawyer na si Edward Jeremy, na nagpakita ng iba’t ibang dokumento na may kinalaman sa kampanya ni Duterte laban sa ilegal na droga kaugnay sa kinakaharap nitong “crimes against humanity.” 

Iprinisinta ni Jeremy ang “PRRD list” na nagpapakita ng mga larawan ng mga high-value targets sa kasagsagan ng kampanya.

Sinabi ni Jeremy na ang mga nasabing indibidwal ay naging target ng operasyon ng pulisya.

Ipinakita rin ni Jeremy ang isang bahagi ng talumpati ni Duterte na nag-uutos na patayin ang mga batang adik sa Tondo, Manila.

“Yung mga adik n’yo diyan kung anak niya, ikaw ang pumatay…yung anak niyang adik kayo ang pumatay para hindi masyadong masakit,” ani Duterte sa ipinakitang video.

Ipinakita rin ni Jeremy ang talumpati ni Duterte na nagsabing malaki ang magiging kita ng mga punerarya at hindi ito nagbibiro.

Ang nasabing pahayag ni Duterte na “hindi ako nagbibiro” ay ginamit na pambutas ni Jeremy sa sinabi sa unang araw ng hearing ng abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman na kapag nagsalita si Rody ito ay “openly from the heart, sincerely and truthfully.”

Ang presentasyon ni Jeremy ay sinundan ng trial lawyer na si Robynne Croft na tumalakay naman sa DDS.

Ayon kay Croft, nasa 3,968 drug personalities and namatay sa anti-drug operations sa pagitan ng Hulyo 1, 2016 hanggang November 27, 2017.

Sinabi rin ni Croft na nasa 274 ang naging kaso ng extra killings noong mayor pa si Duterte.

Ginamit na batayan ni Croft ang pahayag ng isang testigo na isang dating DDS.

HEARING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with