^

Bansa

‘Serbisyo muna bago pulitika’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Serbisyo muna bago pulitika’
Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama sina Naga City Mayor Leni Robredo at DPWH Secretary Vince Dizon, ang Magaya-gaya Creek, na kasalukuyang sumasailalim sa clearing and rehabilitation operations sa ilalim ng “Oplan Kontra Baha” sa Naga City kahapon.
Noel B. Pabalate

Pangulong Marcos sa pakikipagkita kay Leni sa Naga

MANILA, Philippines — Inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado na hindi politikal ang kaniyang pagbisita sa Naga City kundi bahagi ng serbisyo publiko sa gitna ng mga usapin na kinokonsidera ang dating bise presidente at Mayor ng Naga City na si Leni Robredo na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028.

Sinabi ito ng Pangulo matapos personal na inspeksyunin ang flood control projects at tingnan ang sitwasyon sa Bicol River Basin kung saan kasama niyang nag-ikot si Robredo at Public Works and Highways Secretary Vince Dizon.

“Alam mo hindi namin pinag-uusapan yun. I think mayor will agree with me na serbisyo muna bago pulitika,” saad pa ng Pangulo.

Nagbiro pa ang Pa­ngulo na ang politikal na ginawa niya sa pagbisita sa Naga ay ang pagsusuot ng pink na medyas bilang pagkilala kay Mayor Leni.

“The most political thing that we did today, I wore my pink socks in honor of Mayor Leni,” sabi ni Marcos.

Ang pagbisita aniya sa Naga ay ilang buwan na nilang plano simula ng naging kritikal ang sitwasyon dito noong bumuhos ng malakas ang ulan sa rehiyon at magdulot ng matinding baha.

“We have been planning this for a few months already since the situation in Naga is critical due to its location and heavy ­volume of rain in the region”, saad pa ni Marcos.

Tumanggi si Marcos na magbigay ng komento sa mga sumunod pang tanong tungkol sa isyu.

“Again, again this is all politics, I will not going to, we’re not going to… What we are here for is to try and find solutions to this very important, very critical problem not only in Naga City and CamSur and for that matter for the whole of Bicol. That is what we are concentrating on,” sabi pa ng Pangulo.

RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with